Junathan with vengeance
Ang sulatin na ito ay isang kathang isip lamang. Kung may kaparehas ang pangalan o pangyayari sa nasabing kwento, ito ay hindi sinasadya…
Sa kahabaan ng espanya ay bumaba ng jeep ang isang binata. Nakapatong lang ang kanyang sumbrero at maluwag na maluwag ang kanyang damit. Bago lang si Junathan sa maynila galing sya sa malayong malayong lugar na kung tawagin ay Cavite hindi natin alam kung may kuryente o anu mang uri ng sementadong lugar doon. Mag uumpisa na sya sa kanyang pag kokolehiyo ngunit sa unang araw nya dito ay naligaw na sya kagad. Nag simula syang maglakad lakad sa ilalim ng isang masungit at naghihimutok na araw. Kahit ligaw na ligaw na ang binatang nakapatong lang ang sumbrero at maluwag na maluwag ang damit ay ayaw nya padin magtanong kung saan ang lugar ng kanyang dormitoryo. Napadpad sya sa quiapo, sa taft, sa welcome, sa s.m north, sa trinoma, sa megamall, sa moa, sa quiapo ulet, at sa mendiola. Sa wakas nahanap na rin nya ang kanyang dormitoryo apat na araw narin ang nakakalipas nung simula nya itong hanapin. Pagod na pagod ang binata na nakapatong lang ang sumbrero at maluwag na maluwag ang damit. dali dali nyang hinubad ang kanyang gangstah outfit at humiga sa kanyang kama.
Lumipas ang ilang araw…. Mabait na estudyante si Junathan araw araw sya gumagawa ng assignment. Kahit next month ang pasahan gagawin nya agad ito pag uwi ng kanyang dormitoryo. Kung ang pag aaral ay kabilang sa mga listahan ng bisyo siguro yun lang ang meron sya, lagi din syang nasa library kung saan sinabi nya sa kanyang sarili na kelangan bago sya grumaduate ay mabasa nya lahat ng libro sa silid aklatan. Palakaibigan din ang binatang nakapatong lang ang sumbrero at maluwag na maluwag ang damit sa kanyang eskwelahan, kung tutuusin sya ang nilalapitan ng kanyang mga kaklase pag merong takdang aralin at pagsusulit kung minsan nga ay hindi nya na nagagawa ang kanyang dapat gawin dahil madami na ang nagpapagawa sakanya.. Isang araw sa sobrang dami ng ginagawa nya ay hindi na sya nakapag aral. Kinabukasan ay meron palang isang pagsusulit sa isang major subject ni Junathan nagulat sya dahil nawala ito sa kanyang kaisipan. Naupo sya sa gilid ng classroom at kinakabahan. Sinitsitan sya ng isang grupo ng mga kupal na lalake na ” Psst!!! Psssst!!! Junathan Pakopya ahhh!!!”” Ang sabi ni Junathan ” Hindi ako nakapag aral mga pare kaya hindi ko kayo mapapakopya” Ang sabi naman ng mga kupal na lalake na ” Sus!! ikaw pa!! Ayaw mo lang magpakopya eh ang damot mo!!! at pinilit pa nila ng pinilit si Junathan hanggang napapayag nila ito… Hindi nila alam puro mali ang sagot ng binata na nakapatong lang ang sumbrero at maluwag na maluwag ang damit.
Dahil sa mga maling sagot ni Junathan nag amok at nagalit ang mga kupal na grupo ng lalake. Inabangan sya sa labas ng campus, paglabas ni Junathan ay bigla kagad na may sumapak sakanya tapos natanggal ang nakapatong lang na sumbrero sakanya biglang may tumadyak sa kanyang likuran nadapa kaagad ang binatang nakapatong lang kanina ang sumbrero at maluwag na maluwag parin ang damit at habang nakadapa ay dun na sya nawalan ng malay. Pag gising nya nasa ospital na sya. Dali dali syang tumayo at tumakbo papaalis ng ospital. Galit na galit si Junathan gustong gusto nya gumanti!!! Nagsanay sya ng nagsanay para balikan ang kupal na grupo ng mga lalake Pumunta sya sa mga bundok para magpaturo ng mga hidden moves at sinuyod nya ang buong Pilipinas para magaral ng martial arts. Dumating na ang takdang panahon pumasok ulit ang binatang nakapatong lang ang sumbrero at maluwag na maluwag ang damit at hinanap ang mga gumulpi sakanya… Inabangan nya ang mga ito hanggang uwian..
Paglabas ng mga kupal na grupo ng lalake na biglang lumitaw ang binatang nakapatong lang ang sumbrero at maluwag na maluwag ang damit. Biglang sambit ni Junathan, ” Hoy!! kayo yung gumulpi saken nung nakaraang buwan diba!!??” Sabi ng kupal na grupo ng mga lalake ” OO kame nga baket? gusto mo bang maulit ang ginawa namen sayo dati???” Sabi ni Junathan ” Sige subukan nyo nga!!” at dali daling sinuntok ng isang myembro ng kupal na lalake si Junathan natanggal ulet ang sumbrero nya na nakapatong lang!!! walang magawa si Junathan ang kanya lang nasabi ay ” WOW AHHH!!” tapos tinadyakan ulet sya sa likuran nadapa kaagad sya at habang sa pagkakadapa dun na sya sinaksak sa tagiliran at namatay.
Wakas
-eton
J.M the handyman
Nagising sa isang mainit at isang maalinsangang kwarto si J.M. kinuha ang cellphone na 2100 at tinignan ang oras. Ayos! sabi ng makisig at matipunong ginoo. “nauna ako sa aking alarm” dali dali syang tumayo at nagayos ng sarili, nagalmusal at pumunta na sa kanyang pinag tatrabahuhan. Isa syang hardinero ni Senyorita Belle na nanay ni Hubert ( may ibang kwento abangan… ) Napakayaman ni Senyorita Belle ngunit dati ay isa lamang syang skwater na nagbebenta ng aliw para sa pop at hansel. Pero bilog ang mundo nakakilala sya ng mistisong nigerian na ubod ng yaman at dali dali nya itong pinakasalan. Pagkalipas ng isang bwan na comatose ang mistisong nigerian sa dahilan na walang nakakaalam at di nagtagal ito ay namatay. Biglang yaman si Belle kaya sya na ngayon ay Senyorita Belle….
Maaga nakarating si J.M sa mansion ni Senyorita Belle at pumunta sa tambakan kung saan nanduon ang kanyang mga gamit. Mag tatabas ngayon ng damo si J.M dahil napansin nyang humahaba na ang mga ito at natatabunan na ang ibang rosas. Habang ng gugupit ng damo ay may nagmamatyag sa kanyang mga ginagawa… Nagkakape si Senyorita Belle sa terrace habang nakatingin sa mga braso at hita ni J.M na puno ng pawis (nakasando lang at boxer si J.M) Huling higop ng kape at sigaw ng malumanay.. “J.M pagkatapos mo dyan linisin mo ang aking kwarto”… “Opo maam” bigkas ng matipunong ginoo. Pagkatapos mag tabas ng mga maliligalig na talahib inumpisahan nya ng pumanik ng itaas kung saan nandoon ang kwarto ni Senyorita Belle. Pagkalapag ng kanyang paa sa huling step (pasensya di ko alam sa tagalog) tinawag sya ng kasambahay na si Marisol. ” Oi J.M pakiayos muna ang tubo dito sa kusina” sigaw ng kasambahay mula sa baba. ” Oo teka lang sabihin ko lang kay Senyorita Belle” Nang mag papaalam na si J.M ayan nanaman ang tingin ng Matandang Senyorita sa kanyang mga braso at mga hita at mala pandesal na abdomen.(kitang kita ang mga iyon sa basang basang sando ni J.M) ” Maam pwede ko po ba ayusin muna ang mga tubo sa ibaba dahil tumatagas na raw ang tubig doon pagkatapos ko po doon ay lilinisin ko na po ang inyong kwarto” Sige! pero bilisan mo sambit ng nagnanasang matrona.
Nang matapos na ni J.M ang tubo ng kasambahay este ang tubo sa may kusina pumanik na sya sa taas at pumasok sa kwarto ni Senyorita Belle. “Senyorita??? Senyorita???? Asaan po kayo??? Lilinisin ko na po ang inyong kwarto” “Andito ako sa banyo naliligo lang, Sige linisin mo na, pakintabin mo ang mga sahig, tanggalan mo nadin ng mga agiw ang kisame” Habang nag ttrabaho si J.M sa kwarto ay natapos nang maligo si Senyorita Belle, nakatapis lang si Senyorita Belle ng maikling twalya na hanggang taas ng mga hita, onti nalang ay makikita na ang pinakamahabang bulbol sa kanyang katawan. “Tapos na ba?” tanong ng Senyorita. ” Malapit na po Senyorita” sabi ni J.M “. “o sige magbibihis lang ako ahh” sagot ng Senyorita. Pagkabihis nya ay sakto tapos narin si J.M. ” May ipag uutos pa po ba kayo maam?”. ” Meron pa pwedeng pakiayos ang computer ko lagi kaseng naghahang eh pag gumagamit ako” utos ng Senyorita. ” Sige po maam kayang kaya ko po yan” (Pagmamayabang ng binata).
Habang kinakalikot ni J.M ang likod ng CPU ( walang koneksyon para maayos ang pag hahang) ay napatingin nanaman ang Senyorita sa puwitan ng makisig at matinpunong ginoo, dali dali itong lumapit kay J.M at pag angat ng ulo ni J.M ay naumpog nya ang bagamat lawlaw na ay mejo pwede pang suso ni Senyorita Belle. “Ay!!! naku maam sorry po di ko po sinasadya” paumanhin ng makisig at matipunong ginoo. “Ay nako okay lang ako naman ang may kasalanan, bigla kasi akong lumapit sayo tska masarap nga eh” Gamit ang naglalanding boses ng Senyorita. ” heheheheh” yun lang ang nasabi ng makisig at matipunong ginoo. Umupo na si J.M sa computer at kinakalikot ang folder ng Windows system 32 na wala nanamang kinalaman sa paghahang. Lumapit ule ang Senyorita kay J.M at idinikit nanaman ang kanyang bagamat lawlaw ay mejo pwede pang suso. Napatingin nalang si J.M sa mga mata ng senyorita. Napakagat ng labi ang Senyorita tapos Ibinuka ni J.M ang kanyang dalawang kamay at dakma sa bagamat lawlaw ay mejo pwede pang suso ng Senyorita….
Wakas
-eton
Chocolates
Sa isang mainit at maalinsangang kalye ng welcome na naghahati sa Quezon City at Manila ay merong walang kwentang ina ang nagtapon ng Fetus sa tabi ng KFC. Nakalagay ito sa garapon ng mayonnaise at merong lamang tubig na binalot pa mula sa karton. Dumaan ang maraming buwan at walang nakapansin dito dahil sa sobrang busy ng mga tao, ang mga basurero naman ay ayaw nang kunin ang mga basura dito dahil sa kadahilanang dahilan din naten (kadiri daw) habang tumatagal ay lumalaki ang karton at lahat ng dumadaan sa tambakang ito ay may naririnig na parang isang iyak ng isang sanggol. Hanggang sa isang araw ay may isang lalakeng taong grasa ang naglakas loob na buksan ang karton at tignan kung ano ang nasa loob ng mahiwaga,mabaho at maduming bagay…
Isang baby boy ang nasa loob ng karton! Ngunit nandiri ang taong grasa dahil sa karton ay may mga kakambal ang baby boy na maggots na pag tumagal ay mag tra-transform na into langaw. Dali daling tumakbo ang taong grasa palayo sa karton. Iyak ng iyak ang bata na nasa karton na punong puno nang maggots. Lahat ng dumadaan ay nakikita na ang bata ngunit nilalayuan sya dahil sa kanyang masangsang,mabaho, at kadiri nyang itsura. Lumipas ang two weeks ay naging langaw na ang kanyang mga kasama sa karton, yun ang nagpalaki sa bata at tinuruan nila ito ng mga magagandang asal at tradisyong langaw. Pakalat kalat sa kalye, takbo ng takbo, nakikipag patintero sa mga jeep at bus, nanghihingi ng pagkain kung kani-kanino, natutulog at ginagamit na unan ay tae. Meron pa pala syang namana sa mga ito… Yun ay ang nguso..
-wakas…
-eton